Published January 3, 2017 11:16pm

Dalawang babae, kabilang ang isang barangay kagawad, ang binaril at pinatay sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila. Ang mga biktima, hinihinalang nadamay lang at hindi talaga ang target ng mga salarin.

Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, kinilala ang mga biktima na sina Rose Constantino, 55-anyos, kagawad ng barangay 35 Sandico Camba, at si Jan Khey Garcia, 20-anyos.

Source:GMA