Published January 5, 2017 8:13pm

Patay ang isang pulis at sugatan ang isa pa matapos nanlaban umano ang target ng anti-illegal drug operation sa Pasay City. Ang bumaril sa mga pulis, nakatakas.

Sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Enrico Domingo, na nagtamo umano ng mga tama ng bala sa mukha at dibdib.

Nasugatan naman sa tama ng bala sa balikat si P02 Harley Garcera.

Source:GMA